KALBARYO NI HESUS | HOLY WEDNESDAY 2026
St. Andrew the Apostle Parish, San Andres, Catanduanes
Sa gitna ng katahimikan at pagninilay ngayong Semana Santa, may isang tradisyon dito sa San Andres, Catanduanes na patuloy na nagbibigay-buhay sa kuwento ng paghihirap at muling pagkabuhay ni Hesus.
Dito sa St. Andrew the Apostle Parish, isang dekada nang isinasabuhay ng mga deboto at parokyano ang makulay at makabuluhang tradisyon ng Kalbaryo.
Tuwing Miyerkules Santo at Biyernes Santo, makikita ang labintatlong Kalbaryo na itinayo sa iba’t ibang kanto—eksaktong dinaraanan ng prusisyon ng mga santo. At habang dumaraan ang prusisyon, tila muling nabubuhay ang bawat eksena ng paghihirap ni Hesus.
Hindi lang ito simpleng dekorasyon o eksibit. Ang bawat entablado ay likhang-kamay, gamit ang mga indigenous materials na sagana dito sa San Andres, Catanduanes.
Bawat detalye ay pinaghirapan. Bawat disenyo ay may kahulugan. At bawat Kalbaryo ay bunga ng sama-samang pananampalataya at pagkakaisa ng komunidad.
Sa paglipas ng panahon, ang tradisyong ito ay hindi lang nanatiling bahagi ng pananampalataya…
Kundi naging isang atraksyon na rin na dinadayo ng maraming tao. Mga deboto. Mga parokyano. Mga bakasyonista. At maging mga turista mula sa iba’t ibang lugar. Dahil sa bawat sulok na may Kalbaryo, may kwento. At sa bawat kwento, may buhay na pananampalataya.
Dito sa San Andres, ang Kalbaryo ni Hesus ay hindi lang alaala ng nakaraan… Ito ay isang buhay na tradisyon na patuloy na ipinapasa sa bawat henerasyon.
Ang kwento ng San Andres (Calolbon), Catanduanes, ay kwento ng bawat Catandunganon. Hindi lang ito simpleng pagtanghal, kundi isang buhay na patunay na pananampalataya, pagkakaisa at malikhaing kultura ng komunidad.
Ito ang San Andres, Catanduanes ngayong Semana Santa. MagFollow sa @Happy Islander TV para sa Semana Santa Updates.
#HappyIslanderTV #SemanaSanta #HolyWeek #SemanaSanta2026 #HolyWeek2026 #KalbaryoNiHesus #Calvario