Nag-umpisa na ang Cagsawa Festival 2026 sa Albay!
Throwback muna tayo sa makulay at napaka-energetic na performance ng Cagsawa Festival Street Dancers noong 2024 sa Kasanggayahan Festival. Ibang level ang energy, kulay, at galaw talagang dala nila ang kwento ng kanilang bayan saan man sila magtanghal.
Ang Cagsawa Festival ay ginugunita bilang pag-alala sa makasaysayang trahedya ng pagputok ng Mayon Volcano noong 1814 na naglibing sa dating simbahan at komunidad ng Cagsawa. Sa kabila ng trahedya, naging simbolo ito ng katatagan at muling pagbangon ng mga Albayanos. Hanggang ngayon, ang kampanaryo ng Cagsawa ay nakatayo bilang paalala ng kasaysayan at tibay ng kanilang pananampalataya.
Sa bawat indak at tugtog, hindi lang ito simpleng street dancing — ito ay paggunita, pagdiriwang, at pagpupugay sa kasaysayan ng Albay.
Follow Happy Islander TV for more stories like this!