#ICYMI | Nagkaroon ng dalawang-araw na UBE Investment Forum, Young Farmers Product Expo, at Kadiwa Retail Store sa City Mall, Brgy. Ilaya, Calapan City. Pinangunahan ito ng DA MIMAROPA sa pamamagitan ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) at sinuportahan ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Malou Flores-Morillo. Nilalayon ng aktibidad na pagsama-samahin ang mga nasa industriya ng UBE, talakayin ang mga bagong pakikipag-ugnayan, at hikayatin ang pagpapakilala ng mga produkto sa publiko at merkado. 💜
Mga larawan: / 15hqmaupup
#IpagpatuloyAngTAMA #SerbisyongTAMA #TaumbayanAngMasusunod #MayorMalouFloresMorillo #petMalou2024 #CalapanCity