Hindi nagpatinag sa layo ng Brgy. Batino (Caguisikan) ang 'Serbisyong TAMA para sa Barangay' Caravan na isinagawa kahapon, ika-5 ng Nobyembre. Personal na dinayo ni Mayor Malou Flores-Morillo ang nasabing barangay upang maghatid ng mga dekalidad na serbisyo publiko sa mga residente. Ang 'Serbisyong TAMA para sa Barangay' ay inisyatibo ng administrasyong Morillo kung saan patuloy na pinapalakas ang ugnayan ng lokal na pamahalaan at mga komunidad sa lungsod ng Calapan at inilalapit sa mga Calapeño ang serbisyo ng City Hall at iba pang ahensyang nasyonal. 💜
#SerbisyongTAMAparasaBarangay #IpagpatuloyAngTAMA #SerbisyongTAMA #TaumbayanAngMasusunod #MayorMalouFloresMorillo #petMalou2024 #CalapanCity