ABS-CBN Foundation's Donation to Calapan LGU

Опубликовано: 16 Июль 2026
на канале: petMALOU TV
122
like

#ICYMI | Matagumpay na naisagawa ang turnover ng mga diving equipment mula sa ABS-CBN Foundation sa pamahalaang lungsod ng Calapan, na pormal na tinanggap ni Mayor Malou Flores-Morillo. Kabilang sa mga natanggap na kagamitan ang mga diving fins, underwater camera, mask at snorkel, pati na rin ang mga libro at iba pang materyales. Ang turnover ay naging posible sa tulong nina Ms. Ellaine Diomampo, Ms. Sara Agcaoili, Ms. Roberta Feliciano, at iba pang dedikadong miyembro ng ABS-CBN Foundation at lokal na pamahalaan.

Agad na inabot ni Mayor Malou ang mga kagamitan sa Fisheries Management Office na pinamumunuan ni FMO OIC Robin Clement Villas. Ayon kay Mayor Malou, makatutulong ang mga ito sa pagsulong ng Calapan bilang diving destination, na makapagpapalago sa turismo ng lungsod at magpapakita ng yaman ng karagatan ng Calapan, kaagapay ng mga kilalang diving spots sa Oriental Mindoro tulad ng sa Puerto Galera. 💜🌊🐠🤿

Kabuuang balita:   / 15vpv5wu8k  
Headline:   / 1882yaaw1z  

#IpagpatuloyAngTAMA #SerbisyongTAMA #TaumbayanAngMasusunod #MayorMalouFloresMorillo #petMalou2024 #CalapanCity