ANO BA ANG MGA DAPAT I-SURVEY AT I-PROFILE NG DEPED?

Опубликовано: 09 Май 2026
на канале: ATING GURO Channel
155
13

ANO BA ANG MGA DAPAT I-SURVEY AT I-PROFILE NG DEPED?

May pa-survey at profiling ang DepEd sa mga kasapi ng dalawang organissyon. HIndi naman ito mahirap gawin dahil nasa kanila naman ang mga datos ng mga kawani ng DepEd. Lalong hindi rin ito ipagdaramot ng mga organisasyon, lalo ng TDC. Pero ano ba ang layunin nito at bakit ang dalawang organisasyon lang 'Ginoogle?'

Kung kayang gawin ito ng DepEd sa kabila ng sitwasyon ngayon ng pandemya, lalong dapat niyang atupagin ang mas mahahalagang bagay. Napakaraming usapin ang kinakaharap ng mga guro ngayong panahon ng pandemya. Mula sa mga naiipit na benepisyo, hindi pa dumarating na modules, kawalan ng suporta para sa distance learning gaya ng laptop at internet, ang hindi pagpapatupad ng mga health protocol sa mga paaralan at ang kawalan ng tulong o ayuda sa mga guro na nahahawaan ng COVID-19.

Suggestion natin sa DepEd, ito naman ang inyong i-survey.

Samahan si #TDC Chairperson Benjo Basas sa pagtalakay nito ngayong gabi, 9:00PM sa #AtingGuroVlog at TDC Facebook Page. Pag-uusapan din natin ang kahalagahan ng mga Community Pantries at kung bakit dapat nating suportahan ang ganitong insyatiba.

   • ANO BA ANG MGA  DAPAT I-SURVEY AT  I-PROFI...