SAGOT NI TDC CHAIR BENJO BASAS VS PAHAYAG NG DBM (with full transcript)

Опубликовано: 10 Сентябрь 2026
на канале: ATING GURO Channel
8,679
84

Narito ang tugon ni TDC Chairperson Benjo Basas sa naging pahayag ng DBM representative sa nakaraang Technical Working Group (TWG) meeting sa Senado na ginanap noong Oktubre 8, 2019.

Ang panukalang nakasalang at ginamit bilang working draft ay ang Senate Bill No. 178 ni Sen. Sherwin Gatchalian at naglalayong itaas ang salary grade ng Teacher I, II at III mula Salary Grade (SG) 11, 12 at 13 patungong SG 13, 14 at 15.

Sa nasabing pulong ay iginiit din ng TDC na dapat ay Magna Carta for Public School Teachers ang gawing batayan ng sistema sa sahod ng mga guro.

---------------------------

Napakaimportante po na maunawaan po ng mga tao dito sa Senado na ito’ng maging batayan at pundasyon, gaya po ng sinabi nyo, ng gagawin nating batas. Uulitin ko po ‘no, yung DBM kasi napaka-convenient ng excuse, nakakalungkot para sa akin bilang isang guro. Nakapa-convenient ng excuse ng DBM na itunuro niya yung DepEd. Well, this Special Hardship Allowance po ang binabanggit po ng DBM kanina may circular. Yes you have the circular, at yung circular na ito kayo nag-issue. But the basis of that circular should be the Magna Carta for Public School Teachers, which says that it should not be less than 25 percent. Yun po yung binabanggit.

Hindi naman kami masama dun sa World Teachers’ Day Incentive Bonus, kasi binanggit, nag-swipe pa dun yung ating representative from DBM, ‘di ko alam kung bakit kailangan pang sabihin yun. Of course not.

Again sinasabi niya uli, yung GSIS naman ang tinuro nya doon sa ‘One Salary Grade Higher’ but then Madam, Madam Chair, if I may, galing po ito sa position paper ng DBM. Bakit ko naman aatakehin ang GSIS dito? Of course mali ang GSIS sa ginawa niya, na gawing batayan ang kanyang sariling polisiya ng Board ng GSIS. But then yung DBM sinabi niya ‘to dito eh. Hindi po ginagamit kailanman para sa DepEd retirees, sa teacher retirees po ‘yung ‘One Salary Grade Higher.’

Yun po ‘yung sinasabi namin dito, and yet we’re here now, we’re crafting a bill, we’re crafting a law. Ano pagkatapos nito, anong mangyayari? Baka hindi na naman po ito ma-implement. Tama po, exactly ang binabanggit ni Madam Sucgang kanina. Yun po sana yung gusto namin, gawin po nating maliwanag ang pundasyon nung gagawin po nating batas.

At dahil nga diyan po andun pa rin kami sa posisyon na okay lang po ito, ituloy lamang natin because, well seemingly this is again, nasa ilalim pa rin ng tinatawag natin na Salary Standardization Law in-upgrade lang natin nang kaunti ang Public School Teachers at wala po kaming nakikitang masama roon. In fact kung upgrading ng Public School Teachers, ng Teacher I ng entry-level position, ang pag-uusapan po natin, babalikan po natin ang EDCOM recommendation noong 1991. Anong grade po dapat yan? Sa tantiya po ng mga senador at kongresista po dapat Salary Grade 17. Salary Grade 13 lang ito (SB No. 178) ipagdaramot pa sa amin. Yung po ang sinasabi po natin dito, kaya dapat naman po pakinggan naman po sana ng ating Department of Budget and Management itong pong isyu po na ito.

Well as per NEP (National Expenditure Program) napakaliit ng allocation sa suweldo, baka Ma’am eh ginagawa natin ito bandang huli ay wala pang ia-allocate na budget yung Department of Budget at nakakalungkot po iyon.

Yun lamang po, uulitin ko po, balikan po natin yung provisions, yung mga prinsipyo ng Magna Carta for Public School Teachers lahat ng panahon tuwing gagawa tayo ng batas na may kinalaman sa mga guro. Yun po lang. Salamat po!