Benjo Basas told a Senate Hearing: "Mas mataas po ang qualification ng Teacher I kesa Senador."

Опубликовано: 04 Июль 2026
на канале: ATING GURO Channel
2,854
45

TDC CHAIR BENJO BASAS DURING THE SENATE HEARING ON TEACHERS' SALARY
(SEN. BATO DELA ROSA REPLIED)


Narito ang transcript ng huling bahagi ng pahayag ni Benjo Basas sa pagdinig sa mga panukalang umento sa sahod:

Yun po, tapos na po ako (Sen. Revilla asks the resource person to wrap-up). Isa na lang po, last na, 2 minutes. SSL-1, natapos ang SSL-1 magkano po ang sweldo ng public school teachers? P12, 026. SSL-3, natapos ang SSL 3, magkano ang sweldo? P18, 549. Ngayon SSL-4 na tayo Senator Bato, P20, 574 po ang sweldo namin. Magkano lang po itinaas mula noon? Pero magkano naman ang sweldo ng Salary Grade 33, una P90, 000 (P69, 878) naging P120, 000 ngayon po P388,000 (P388, 096). Presidente po yun. Magkano ang sweldo ng Salary Grade 31? Ano po, una P50, 000 (P48, 915), naging P90, 000 ngayon po, well with due respect sa inyo po, ito po ang sweldo nyo, P257,000 (P257, 809), Salary Grade 31.

Bakit naman po ganun? Kami po yung Salary Grade 11 po ay napakababa. Ang huli pong adjustment under EO 201 ni President Aquino po ay P2, 205, hinati pa sa apat. At yun po medyo kinakabahan kami sapagkat ang lumalabas po ngayon nagpe-prevail, itutuloy lamang yung SSL, SSL V at magkano po? Well dun po sa isang proposal kanina binanggit po ng author (Sen. Bong Go) na P591 pesos lamang po ang idaragdag sa mga teachers. Baka ito nga yung sinasabi ng ating mahal na pangulo na mas malaki nang kaunti kesa sa previous. Magkano ba ang previous? P575, yung huli po. Ngayon po ang idaragadag po according to Senate Bill 200, P591.00 mas malaki nga po ng kaunti. Considering, with due respect to these gentlemen and with due respect to all the members of the House and the Senate, mas mataas po ang qualification para maging teacher I sa Department of Education kesa maging senador o maging congressman or even maging presidente. Thank you po! (Applause)

(Voices heard)

Sen. Revilla: Teka, sandali lang po, I would like to recognize Senator Bato, kasi nauna po sya.

Sen. Bato: Thank you Mr. Chair. Hindi, hindi gaanong importante itong sasabihin ko. Pero kay Mr. Benjo Basas, wag mo kong isasama sa sisingilin dun sa utang ng senado. Ngayon lang ako naging senador ha. Baka isama mo ako sa sisingilin dun sa malaking utang na sinasabi mo. Yun lang, di masyadong importante. Thank you Mr. Chair. (Laughter)

(Video courtesy of Sen. Bong Revilla FB Page)