Basically, lahat po ng course na nakapag-tapos ng 4 years ay pwedeng mag apply for as long as may eligibility at pasado ka sa mga qualifications na hinahanap ng ahensya.
Pero ang pagiging criminologist ay isang malaking puntos para makapag apply ka kasi pinag aralan mo na ito ng 4 years.
Bakit tinatanggap ang ibang kurso? Simplehan nanaman po natin.
Ang ahensya ay nangangailangan din po ng ibang specializations sa ibat ibang departamento ng opisina.
Gaya nalang po ng opisinang:
1. Health Service - hindi naman po pwedeng criminologist ang ilagay doon kasi hindi naman ito ang kanilang profession.
2. Logistics - mas kailangan ang engineers or etc para sa mga budgets at buildings na pinapatayo ng ahensya.
3. Ang mga teachers ay kailangan din po para mabigyan ng dagdag kaalaman ang ating mga PDL o inmates.
4. Para sa mga gawaing computers, kailangan din po natin ang IT.
Ito po ay mga example lamang sa mga ibat ibang kailangan ng ahensya. Kaya’t wag po tayong mawalan ng pag-asa.
Iba’t iba man po ang aming mga propesyon, sa kahuli hulihan, kami parin ay tatawaging JAIL OFFICER na nagtutulong tulong upang mapabago ang pananaw sa pamumuhay ng ating mga PDL o inmates.
#BJMP #LearnOnYoutube #YT #trending