Dahil sa doble ingat po tayo na hindi makapasok ang virus sa mga jails ay total lockdown po tayo. Kahit ang mga jail officers na nasa loob ay bawal din pong lumabas.
So ano po ba ang ginagawa namin sa loob? Yun po ang pag uusapan natin.
Dahil total lockdown po tayo ay bawal po munang bumisita ang pamilya ng ating mga PDL o inmates.
As an alternative, ang jail bureau po ay may programang E-Dalaw na kung saan ang ating mga PDL o inmates ay pwede makipag usap sa kanilang pamilya through phone call or video call sa limitadong oras lamang.
Ipinatupad ang programang ito before pa nagkaroon ng pandemic para sa mga PDL o inmates na malalayo ang kanilang mga pamilya at bibihira lang makabisita sa kulungan.
Ngayong pandemic ay mas naging mahalaga ang pag gamit ng programang ito upang may patuloy na komunikasyon sa mga pamilya nila at nang sa ganon ay maramdaman nilang may naniniwala parin sa pagbabagong buhay nila.
Ang mga computers na ginagamit nila ay bigay ng gobyerno at minsan ay mga donations galing sa LGU at iba’t ibang mga private organizations.
Ito ay isa pa lamang po sa mga ginagawa namin sa loob na sa tingin namin ay makakatulong sa kanilang pagsisimulang muli.
#BJMP #trending #learnonYoutube