PRESO
Sunog sa init ng araw,
Manhid sa bawat paghataw.
Kalyong namaos pagsigaw,
Ang buhay tuloy ang galaw.
Ika’y pilit inaagaw,
Ulirat ko’y tinutunaw.
Ngunit walang makagalaw,
Labis itong pag ulayaw.
Gaya ng presong walang dalaw,
Sapat ang sulyap na tanaw.
Pagitang rehas ay tunaw,
Sapagkat may isang ikaw.