MAHIWAGA | makatang gala

Опубликовано: 12 Июль 2026
на канале: MAKATANG GALA
145
9

MAHIWAGA | makatang gala

Karunungang mahiwaga.
Bakit ako’y inaruga,
Ako’y dinarang sa baga,
Nililok sa bawat tungga.

Himay ng talinghaga,
Tarak gaya ng taga.
Timo bawat pagbangga,
Talim ay mga kataga.

Kampay kong pahilaga,
Ramdam ang bawat piga.
Gawang haliging biga,
Dala ko sa paghiga.

Sa gabing mahiwaga,
Pinagheheleng karga
Gisingin ang umaga,
Sa hudyat ng aruga.

Muli mong italaga,
Iyakap ang halaga.
Sanayin mong maaga,
Ihanda sa pagsangga.