KAKAMPAY
Inisip ang mga bagay,
Diwang dinilig ng malay.
May kusang lilok ang saysay,
May silbi sa bawat alay.
Linang ng lupang hinukay,
Punlang pilit binubuhay.
Galak sa bawat pag uhay,
Pawi sa pagod na hinimay.
Umagang puno ng gabay,
Gabing tinulog ang lupaypay.
Umaasang muling kakampay,
Itatawid Mo sa tagumpay.
#poetry
#tula
#father
#sacrifice