TIWALA
Gising sa pangarap,
Umagang kaharap.
Pawiin ang andap,
Subukin mong ganap.
Dalisay mong yakap,
Sa aki’y lilingap
Biyaya mong tanggap,
Galing alapaap.
Bawat mga sulyap,
Sayo’y nangungusap.
Hiling sa pangarap,
Tiwalang matupad.